Featured Post

BARANGAY CHAIRMAN, TINAWAG NA GAGO SI PANGULONG DUTERTE SA GITNA NG COVID-19 CRISIS


Kasabay ng pag-anunsyo ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapasailalim ng buong Luzon sa enhanced community quarantine mariin rin niyang pinaalalahanan ang mga local government units (LGUs) at mga barangay officials na sila ay may malaki ring papel sa pagpapatupad ng mga alituntunin upang sugpuin ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabila nito, nag-viral sa social media ang isang barangay kapitan mula sa San Remigio, Cebu na si Nicole Cambal kung saan kinondena niya ang mandato ng Pangulo na sila ang magiging kaagapay ng gobyerno sa pagpapatupad ng mga protocol at magbigay ayuda sa mga ka-barangay nito habang nasa krisis ang bansa.
Habang ang ibang mga barangay officials ay abala sa pag-abot ng mga pangunahing pangangailangan at tulong sa mga nasasakupan nitong apektado sa mas pina-igting na home quarantine, ang iba naman ay papatay-patay sa gitna ng matinding sitwasyon.
Nagpost di-umano si Cambal sa kanyang Facebook account na huwag ipasa sa kanila ang kapalpakan ng administrasyong Duterte sa pagtugon nito sa banta ng COVID-19.
“Please stop using us as a scapegoat. Your administration has handled this issue poorly don’t blame us,” saad niya.





Sa isa pa niyang post, tinawag rin niyang ‘gago’ ang Pangulo dahil sa dumagdag lang umano ito sa kanyang mga problema.
“POOR NA POOR NA NGA ANG BARANGAY KO TAPOS NOW THIS,” saad niya.
Sa sitwasyon na kinakaharap ngayon ng buong mundo walang patid ang mga paalala ng gobyerno sa mga Pilipino na makipagtulungan sa mga awtoridad upang sa ganun ay maiwasan ang mabilis na paglaganap ng sakit sa bansa.

Comments