- Get link
- X
- Other Apps
Featured Post
- Get link
- X
- Other Apps
MAYNILA — Apat na tao ang naaresto sa buy-bust operation sa Quezon City nitong madaling araw ng Linggo, kung saan nakumpiska ang tinatayang nasa P680,000 halaga ng hinihinalang shabu.
Matapos bentahan ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer, dinampot ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang 4 na suspek.
Tatlo sa kanila ay kasama sa drugs watch-list sa lungsod.
Nangyari ang operasyon bandang ala-1 ng madaling araw sa may Malipaka Street, Barangay Kaligayahan, ayon sa ulat mula sa QCPD.
Kasama sa mga nakumpiska sa mga suspek ang 8 sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na nasa 100 gramo, isang revolver, isang improvised shotgun, at isang sasakyan.
Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
- Get link
- X
- Other Apps
Comments
Post a Comment