- Get link
- X
- Other Apps
Featured Post
- Get link
- X
- Other Apps
Imbes na maghain ng mala-piyesta na handaan, pinili ng isang residente sa Cagayan De Oro City na mamahagi ng relief goods sa mga kapitbbahay na nagaabang ng rasyon ngayong may banta sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa kuhang video ni Alice Montañez, makikita ang ilan na namamahagi ng relief goods mula sa isang truck sa Barangay Macabalan.
Ani Montañez, na ipinagdiwang ang ika-43 kaarawan, pinili niyang tumulong sa mga kapitbahay na nag-aabang ng rasyon ngayong apektado sila sa COVID-19.
"Para pud makatabang ko gamay. Imbes nga akong ipalit og lechon para kami ra'y makakaon, ako na lang gi-food pack kay para ma-share pud nako sa uban," ani Montañez.
("Para makatulong ako. Imbes na bumili ako ng lechon, food packs na lang, para ma-share ko rin sa iba.")
Umiwas din siya sa mass gathering kaya wala munang handaan sa kaniyang kaarawan.
Hiling niya na sana'y matapos na ang public health crisis.
Kasalukuyang nasa community quarantine ang siyudad.
- Get link
- X
- Other Apps
Comments
Post a Comment