Featured Post

Lasing na magsasakang nag-amok sa checkpoint, patay matapos mabaril ng pulis


NASIPIT, Agusan del Norte (UPDATE) - Patay ang isang lasing na magsasaka matapos umano mag-amok at mabaril ng pulis sa nasabing bayan Huwebes ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon ng Nasipit Police Station, dumating ang lasing na magsasakang nakilalang si Junie PiƱar, 63, sa barangay checkpoint. 

Inabisuhan umano siya ng barangay health worker na magsuot ng face mask. Pero sa halip na makinig, nagalit pa ito at tinangkang sugurin ang isang tanod gamit ang dalang itak.

Nakahingi naman agad ng tulong ang tanod kay Police Staff Sgt. Rolly Llones, pero maging siya ay sinugod din ng magsasaka.

"Dalawang beses po siyang ina-attack. Una, pagtaga sa kaniya nakaatras siya pero tuloy-tuloy 'yung atake, pag-forward sa kaniya sige-sige ang taga so wala na siyang magawa kung 'di bunutin ang kaniyang baril at paputukan itong ating suspek," sabi ni Col. Ramir Perlas, Provincial Director ng Agusan del Norte Police Provincial Office.

Dagdag pa ni Perlas, nag verbal warning na ang pulis sa lalaki pero hindi pa rin ito nakinig.

“Napakahigpit po ng ating PNP sa tinatawag nating warning shot. Ang gagawin lang po natin ay verbal warning. Verbal warning sabihan natin 'yung tao, magpapakilala tayo, iaalok natin sa kaniya, with command of course, kung ano ang gusto nating mangyari. 'Yun ay nangyari dahil nagpakilala siya, sinabihan niya na ibaba yung itak mo," paliwanag ni Perlas.

Nagbigay naman ng tulong-pinansyal ang pamunuan ng Agusan del police sa pamilya ng lalaki.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng Nasipit Police si Llones habang isinasagawa ang imbestigasyon. Dinis-armahan na siya at nag-issue na rin ng temporary preventive restriction ang hepe kay Llones.

Comments